PROYEKTO SA FILIPINO: MOVIE REPORT
JIREH CUARTO
IV-NEWTON
Ang sine ay pinamagatang “The chronicles of Narnia: The Lion, The Witch, and The Wardrobe” at ito ay dinirektuhan ni Harold Games. Ang musika ay nilapat ni Van Toffler na sadyang angkop-na-angkop sa lahat ng eksena, lalong-lalo na sa mga eksenang may drama at mga labanan. Ito ay pinagbibidahan ng apat na bata na sina George Henley, William Moseley, Skandra Keynes at Arma Popplewell na gumanap bilang Peter, Edmund, Sally at Lucy White, sila ay magkakapatid na napadpad sa mahiwaga at misteryosong kaharian ng Narnia. Ang kanilang kasuotan ay hango sa mga damit ng mga Prinsesa’t Prinsepe at ang iba naman ay kagaya ng sa mga sinaunag kasuotang panglaban noong unang panahon. Ang aral na natutunan ko sa sine ay ang pagiging matapat at matapang sa anumang mga pagsubok na ating haharapin.
Ang ikalawang sine na aking pinanood ay pinamagatang “The Golden Compass” na dinirektuhan ni Chris Weitz. Ang musika sa pelikulang ito ay nilapat ni Freddie Highmore na nagging angkop[ sa mga eksenang may halong drama. Ito ay pinagbibidahan ni Dakota Blue Richards na gumanap bilang Lyra sa pelikula. Ang kanilang kasuotan ay mga marangyang kasuotan noong unang panahon na ginagamit ng mga Nomads at Gypsies. Ang pelikula ay nagbibigay ng aral ukol sa pagiging masunurin at masipag na tao.
Sa dalawang nakakamanghang pelikulang aking pinanood,mas nakakaangat ang kagandahan at ang produksyon ng “The chronicles of Narnia: The Lion, The Witch, and The Wardrobe” sapagfkat mas naipapalahad ng mga artista o bida dito ang kanilang mga emosyon kaysa mga artista na nakikita natin sa “The Golden Compass”. Higit sa lahat, maliban sa magandang produksyon at cast ng Narnia, mas maraming aral ang matututunan ng mga manonood ng Narnia.
Tuesday, November 10, 2009
Posted by MEMOIRS OF AN IMPERFECT ANGEL at 8:30 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment